Sa Interview pa Lang, Pasado Ka Na! Gabay para sa SFI Applicants
- Patrice Garcia
- 5 days ago
- 3 min read
Interesado ka bang maging bahagi ng Servicio Filipino, Inc.? Magandang hakbang 'yan—lalo kung naghahanap ka ng trabaho sa janitorial, technical, logistics, clerical, o customer service. Pero tandaan: sa SFI, hindi lang basta kwalipikado ang hinahanap namin. Mahalaga rin sa'min ang ugali, pagiging bukas sa pagkatuto, at ang tunay na malasakit sa trabaho.

Heto ang ilang tips para tumaas ang tyansa mong matanggap!
1. Alamin ang Posisyong Aaplyan
Mukhang simple, pero madalas nakakalimutan. Basahing mabuti ang job post. Alamin kung ano ang hinahanap na skills o experience. Kung pang-maintenance ang posisyon, dapat alam mo ang tamang gamit sa paglilinis o safety measures. Kung clerical work, siguraduhing marunong ka sa basic computer tasks at email communication.
Tip: Iugnay ang dating trabaho o training sa posisyong inaaplayan. Makakatulong ito para ipakita ang pagiging fit mo sa role.
2. Ayusin ang Resume—at Magdala ng Kopya
Ang resume mo ang kwento mo bilang aplikante. Kaya siguraduhing updated at malinaw itong basahin. Ilagay ang mga sumusunod:
Educational background
Work experience (pati na rin ang OJT o part-time)
Trainings o certifications (TESDA, NCII, atbp.)
Magdala ng kahit isang printed copy.
Kung online ka naman mag-aapply, siguraduhing malinaw ang PDF file at maayos ang filename (hal. JuanDelaCruz_Resume.pdf).
3. Magbihis ng Maayos at Dumating ng Maaga
Hindi mo kailangang magsuot ng coat and tie. Basta malinis, presentable, at angkop sa posisyon na inaaplayan. Malaki ang epekto ng first impression! Kaya importanteng ipakita na ikaw ay seryoso sa inaaplayan mong trabaho.
Kung walk-in ang interview, dumating nang 15–30 minutes bago ang schedule. Kung online naman, mag-log in ng 10 minutes bago magsimula ang interview at siguraduhin maayos ang internet, mic, at camera.
4. Magpraktis ng Karaniwang Tanong sa Interview
Maghanda sa mga tanong gaya ng:
"Ikwento mo ang sarili mo."
"Bakit gusto mong magtrabaho sa SFI?"
"Ano ang lakas at kahinaan mo?"
Hindi mo kailangang i-memorize. Ang mahalaga, malinaw kang magsalita at nagpapakita ng kumpiyansa. Bonus kung may konkreto kang halimbawa.
5. Ipakita ang Tamang Ugali
Ang skills natututunan, pero ang magandang asal mahirap ituro 'yan. Sa SFI, mahalaga sa amin ang asal—marespeto, maayos makitungo, at bukas sa feedback. Sa interview pa lang, makikita na agad 'yan.
Tip: Maging magalang, makinig nang mabuti, at sumagot nang may respeto.
Ipakita ang Galing sa Serbisyo
Dahil kami ay nasa servicio, hinahanap namin ang mga taong may “customer-first” mindset. Ibig sabihin, iniisip ang kapakanan ng kliyente at handang umalalay kung kinakailangan. Kahit hindi ka pa sanay, basta willing kang matuto at mag-adjust, malaki na ang puntos mo.
Tip: Kung dati kang nagtrabaho sa tindahan, fast food, o front desk—banggitin mo ito. Gamitin ang karanasan na ‘yun para ipakitang sanay ka sa pakikitungo sa tao.
Huwag Matakot Magtanong
Sa kultura namin, welcome ang mga tanong—lalo na kung ito ay makakatulong sa trabaho. Hindi ito senyales ng kahinaan, kundi ng interes at pagnanais na matuto. Huwag matakot magtanong kung may hindi malinaw. Sa SFI, pinapahalagahan namin ang mga empleyadong mahinahon at proactive sa pagkuha ng impormasyon.
Tip: Maghanda rin ng sariling tanong sa interviewer, tulad ng: “Ano po ang isang katangiang hinahanap niyo sa successful SFI employee?”
Maging Bukas sa Pag-unlad
Marami sa aming mga empleyado ang nagsimula sa entry-level positions at ngayon ay nasa leadership roles na. Kung may dedikasyon ka, may oportunidad kang lumago dito.
Tip: Ipakita ang seriousness mo sa trabaho, hindi lang para sa pansamantalang kita, kundi bilang pangmatagalang karera.
Handa Ka Na Ba?
Ang pag-aapply sa SFI ay hindi lang basta trabaho—ito rin ay pagkakataon para matuto at umasenso. Kung ikaw ay masipag, maayos makisama, at handang matuto, baka ikaw na ang hinahanap namin.
Huwag palampasin ang pagkakataon. Ihanda ang resume mo at ipakita kung bakit bagay ka sa SFI.
📩 Mag-email sa amin:📨 sourcing@serviciofilipino.com
🌐 O mag-apply online sa:🖱️ www.talentsource.com
Dito, hindi ka lang empleyado—partner ka sa serbisyo!
Comments